Dapat kang maniwala ey!
The long wait is over na nga para sa mga Blooms, dahil gaganapin na bukas ang “National BINI Day!”
Ito ay bilang selebrasyon ng ika-3 anibersaryon ng BINI.
Ayon kay Star Magic head Laurenti Dyogi, ang one-day-event na ito ay may iba’t ibang aktibidad gaya ng fashion gallery, photo booth, dance workshop, at special message wall.
Mayroon din daw itong “BINI Hour” kung saan may chance makipag-interact ang BINI members sa kanilang mga fans.
Gaganapin ang National BINI Day sa One Ayala, Makati.
Samantala, ini-launch ngayong araw ng nation’s P-pop girls ang kanilang official website!
Mas magiging updated na ang mga fans dahil nakalagay dito ang discography, music videos, at upcoming events ng grupo.