Nagkaisa ang iba’t ibang mga organization, at grupo ng mga beat reporters para batikusin at kundenahin ang ‘di umano’y panununtok ng isang miyembro ng MANIBELA sa radio reporter na si Val Gonzales.
Sa pahayag ng Southern Metro Manila Press Club (SMMPC), idiniin nilang ‘di katanggap-tanggap ang ano mang uri ng harassment, pananakit, at pananakot sa mga mamaamhayag.
Nanawagan din sila ng hutisya sa kinauukulan, at sapat na pananagutan sa mga nasa likod nito.
Kinondena rin ng Defense Press Corps ang insidente.
Anila, ang damdamin at perceptions na nagmumula sa isang nakasulat o broadcast report ay hindi kailanman magiging dahilan upang saktan ang isang mamamahayag.
Nanawagan din ang DPC sa mga organizers at lider ng mga nagpoprotesta na pigilan ang kanilang mga miyembro at igalang ang kalayaan at karapatan ng malayang pamamahayag.
Sa hiwalay na pahayag, binatikos din ng PNP Press Corps at Justice Reporters’ Organization o JUROR ang alleged asault incident.