Comeback fight ni Pacman posibleng isagawa sa Saudi

Kinumpirma ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao na may nilulutong negosasyon sa kanyang posibleng comeback fight.

Nilinaw naman ng 8-division world champion na sa ngayon wala pang detalye at patuloy pa ang pag-uusap hingil dito.

Isa sa mga lumilitaw na pangalan na makakalaban ni Pacman ay ang 29-anyos na American boxer na si Mario Barrios.

Kung matutuloy man ang laban, maari umano itong mangyari sa November o December ngayong taon.

Bago ito sasabak muna ang Pinoy boxing legend sa isang three-round exhibition bout kontra sa Japanese mixed martial artist na si Chihiro Suzuki sa Hulyo na gaganapin sa Saitama, Japan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *