Nasawi dahil sa Covid-19 sa lungsod ng Sorsogon umabot na sa 127 matapos madagdagan ng isa pa

SORSOGON CITY- Inihayag ng Sorsogon City Health Office (CHO) na isa pang pasyente ng coronavirus disease (Covid-19) ang nasawi, dahilan para umabot na sa 127 ang mga namatay sa virus.

Nangunguna pa rin ang lungsod sa may pinakamaraming bilang ng nasawi sa sakit sa lalawigan.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Patuloy naman na pinag-iingat ng CHO ang publiko sa banta ng Covid 19 transmission lalo na ngayong araw ay umpisa na ng pagluwag ng restriskyon sa nasabing lungsod.

Matatandaan na ang lungsod ay isinailalim sa weekend lockdown ng halos apat na linggo dahil sa pagsirit ng mga kaso ng sakit na hindi bababa sa 22 bawat araw noong nakaraang buwan.

Read More:  Live bullet and bullying note found inside Bacolod university

Inilagay din ng Dept. of Health ang buong lalawigan sa Alert Level 4 o nasa High Risk Category dahil sa pag-akyat ng kaso ng nasabing sakit.

Ngayong araw ng Sabado ay lifted na ang ipinatupad na weekend lockdown.