Magat dam, maaaring magpakawala ng tubig sa hapon ng linggo, OCT. 10, 2021 – MARIIS DRD

Maaaring buksan ang isang spillway radial gate ng Magat Dam alas-3 ng hapon bukas, October 10, 2021 upang magpakawala ng tubig na aabot sa 200 cubic meter kada segundo.

Sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay MARIIS Dam and Resevior Division Manager Engr. Carlo Ablan, ang pagpapakawala ng tubig ay dahil sa pagtaas ng forecast ng rainfall ng bagyong Maring kung kaya’t napagdesisyunan ng kanilang tanggapan na magpakawala upang ma-accommodate ang inflow na darating sa watershed.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Sa ngayon aniya ay nasa 188-meter ang water level ng Magat dam kung saan mas mataas umano ito kumpara sa water level ng dam noong paparating ang bagyong Kiko at Jolina.

Ayon pa kay Engr. Ablan, ang naturang aktibidad bukas ay pre-emptive release lamang kung saan posibleng magsimula bandang alas-3 ng hapon bukas depende aniya sa makukuha sa linkages upstream.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Pinapaalalahanan naman ang mga residente malapit sa Magat river na huwag munang pumalaot o mamalagi dito dahil mapanganib at maiwasan ang casualty.

Sa ngayon ay nasa downstream at upstream na ang mga staff ng MARIIS DRD upang suriin ang rail gate stations at warning stations ng Magat Dam bilang paghahanda sa posibleng dam discharge bukas.