Barangay Chairman, tiklo sa buy-bust sa Donsol, Sorsogon

SORSOGON CITY – Dinakip ng mga awtoridad ang Barangay Chairman sa isang buy-bust sa Brgy Banuang Gurang sa bayan ng Donsol, Sorsogon.

Dakong alas 5:00 ng hapon nitong Huwebes, nagsagawa ng drug buy-bust operation ang puwersa ng Provincial Drug Enforcement Unit ng Sorsogon Police Provincial Office bilang lead unit, PDEA-Sorsogon, Reg’l Drug Enforcement Unit 5 Team Sorsogon at ng Donsol Police na nagresulta sa pagkaaresto ng Kapitan ng Brgy Banuang Gurang na si Constantino Canon Cadag alias ‘Concon,’ 42-anyos, may asawa at naninirahan sa nasabing lugar.

Read More:  Dumanjug Mayor’s driver’s license suspended for 90 days after viral crash in Cebu

Nasamsam sa suspek ang apat na sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 10 gramos at nagkakahalaga sa ‘drug market’ ng P68, 000.00.

Read More:  Rider killed in suspected riding-in-tandem attack in Cebu

Nabatid na si Cadag ay kasama sa Regional Recalibrated Database on Illegal Drugs.

Nahaharap na ito ngayon sa kasong may kinalaman sa iligal na droga.

PHOTOS: exclusive for Brigada News FM-Sorsogon