Matapos humingi ng paumanhin – nangako naman si National Bureau of Investigation (NBI) Dir. Medardo de Lemos na mahaharap sa dismissal ang mga nasa likod ng ‘sexy dancing’ sa isa nilang events kamakailan.

Ayon kay de Lemos, sa oras na matapos na ang imbestigasyon at matukoy kung sino ang may kagagawan ng naturang isyu – hindi siya maga-atubiling sibakin ito sa serbiyo.
Sa ngayon, nagpapatuloy pa umano ang kanilang pagsisiyasat sa kotnrobersya para malaman kung sino ba ang nag-imbita sa babaeng sumayaw sa kanilang command conference.
Bago ‘yan, una na siyang nag-sorry at tiniyak na walang public funds ang nagasta bilang pambayad sa nakuhang entertainer.