LTFRB, nagbabala laban sa mga PUV Operators at Drivers na nagti-trip-cutting

Nagbabala ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga operators at drivers laban sa paglabag ng mga ito sa kanilang ruta sa pagbiyahe.

Nagsagawa ng field operasyon ang LTFRB kasama ang Department of Transportation (DOTr) ukol sa nasabing paglabag o sa reklamong natatanggap nila mula sa komyuter.

Read More:  Ombudsman denies political motive behind cases vs Sen. Jinggoy

Nahuli ang ilang mga tsuper na nag trip-cutting kung saan-sabay silang pinangaralan ng awtoridad para sa ikakabuti ng mga byahero.

Read More:  Construction begins on rental housing for families affected by NSCR Extension Project

Mapapatawan ng P5,000 halaga ang mga unang lalabag alinsunod sa Joint Administrative Order 2014-01.

Gayunpaman, ang DOTr ay nagsagawa ng Commuter Hotline na pwedeng tawagan sakaling may reklamo ang mga commuters.//MKCJ