DA, ipinag-utos ang ban sa importasyon ng domestic at wild birds mula sa Australia

Ipinag-utos ng Department of Agriculture ang ban sa importansyon ng domectic at wild birds mula sa Australia.

Ito’y kasunod ng outbreak ng bird flu sa Meredith at Terang sa state of Victoria nitong Mayo.

Batay sa memorandum 21, agad na ipinatigil ni DA Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel ang pag-aangkat ng wild at domestic birds kasama na ang karne ng manok , day-old chicks , itlog at semilya mula sa naturang bansa.

Suspendido rin muna ang pagi-issue ng Sanitary at Phytosanitary Import Clearances ng Bureau of Animal Industry.

Ayon kay Laurel, lahat ng shipments mula Australia , na nasa biyahe na at naisakay at tinangap na sa mga pier bago ang official communication ng kautusang ito mula sa Australlian authoritiez ay papayagan pa rin makapasok ng bansa subalit ang mga produkto ay kinatay o ginawa bago ang May 9.

Nitong April 2024, naitala ang Austrlia bilang pag-apat na pinakamalaking source ng imported chicken meat o 4 na porsyento ng kabuuang iniimport na manok.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *