CAMARINES NORTE- Lagpas pa sa critical level ang mga spring sources ng Camarines Norte Water District CNWD/Primewater.
Ayon kay Primewater Branch Manager Engr. Mark Anthony Muroda, nakatulong ang pag ulan noong weekend sa groundwater recharge pero mararanasan pa umano ang epekto nito dalawang buwan mula ngayon.
Sa ngayon ay nasa 36 cm pa ang actual level ng boro- boro pero hindi gaanong malayo sa 32 cm na critical level.
Ang Banban naman ay nasa 15 cm ang actual level na kung tutuusin ay kaunti na lang din sa 12 cm critical level habang ang Alinao naman ay nasa 73 cm ang actual level na malayo sa 50 cm critical level.
May naitala namang problema sa suplay ng tubig sa may Basud area.
Paliwanag ni Muroda ang suplay ng tubig sa nabanggit na lugar ay mula sa surface water sa Dagotdotan Filtration Facility at dito ay may mga naitala umanong “downtime” noong mga nakaraang araw.
Ang dahilan ay ang pagkasira o breakage sa Tarnsline ng 300mm old line sa Barangay Dagotdotan noong Aug 18.
Nasira din ang transfer pump nang sumunod na araw at nag breakdown ang transformer noon pang July.
Sa kabila nito, agaran naman aniya ang naging aksyon ng Primewater kaya naibalik ang serbisyo ng tubig sa loob ng 24 oras.
Kinailangan pa aniya na magsagawa ng flushing para maibuga ang stocked water at mawala ang hangin sa network kaya ang mga dulo ang madalas na huli ang dating ng suplay ng tubig.

