Napabayaang niluluto nangungunang sanhi ng sunog sa Camarines Norte ngayong taon

CAMARINES NORTE- Nakapagtala ng 30 insidente ng sunog ang Bureau of Fire Protection (BFP) sa lalawigan ng Camarines Norte mula Enero 1 hanggang Hulyo 15 nitong taon.

Mas mababa ito kumpara sa  57 sa kaparehong panahon noong isang taon.

Sa datos ng BFP nangungunang sanhi ng sunog ay ang napabayaang niluluto na mayroong limang insidente na mas mababa kumpara sa pito sa kaparehong panahon noong 2020.

Kaya naman paalala ng ahensiya na huwag iwanan ang niluluto dahil maaaring ito pa ang maging dahilan ng pagkawala ng mga ari- arian at buhay.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Maliban sa napabayaang pagluluto kabilang rin sa mga nangungunang sanhi ng sunog ay ang electrical ignition by Arcing, loosed connection, overloading at nag overheat na appliances.

Karamihan naman sa mga nangyaring sunog ay sa residential na mayroong 20 at isa sa commercial building.

Mayroon ding mga nasunog na motor vehicle at poste ng kuryente.

Wala namang naitalang  Grass, Rubbish and Forest Fire ngayong taon habang noong isang taon ay mayroong sampu.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Sa kabuuan umabot sa mahigit  P220, 400 ang naitalang pinsala na mas mababa sa  P3. 6 milyon sa kaparehong panahon noong isang taon.

Karamihan naman sa mga naitalang sunog ay aksidente na may 26 habang mayroon ding dalawang intentional.

Tulad ng nangyari sa bayan ng Basud na sinunog ng lasing ang tinitirhang bahay dahil sa galit nito nang hindi maabutan ang kinakasama at anak.

Dalawa namang kaso ng sunog ay under investigation.