Nalalapit na SEAG, paghahanda narin ng FIFA Women’s World Cup

Ikinokonsidera ng Philippine Football Federation (PFF) ang nalalapit na 31st Southeast Asian Games sa Vietnam, bilang bahagi narin ng paghahanda para sa journey ng Philippine women’s national team sa FIFA Women’s World Cup.

Bagama’t sinabi ni PFF president Mariano “Nonong” Araneta na ang roster ay nakadepende sa availability ng bawat player, binigyang diin ng football association ang kahalagahan ng biennial meet sa World Cup preparations.

Inihayag naman ni Araneta na handa silang bayaran ang mga player, bilang ito ang issue sa mga nagtatrabaho.

Samantala, matapos ang stint ng women’s team sa nagpapatuloy na AFC Women’s Asian Cup, magtutuloy-tuloy umano ang pagsasanay hanggang sa susunod na taon, bilang ang FIFA Women’s World Cup ay nakatakda sa July 20-August 20, 2023 sa Australia at New Zealand.