Bakunahan kontra ASF sa Lobo, Batangas, lumarga na ngayong araw

Isinasagawa na ng Department of Agriculture (DA) at Bureau of Animal Industry (BAI) ang bakunahan sa mga baboy kontra African Swine Fever sa Lobo, Batangas.

Ang bakunahan na ito ay kauna-unahan sa bansa limang taon matapos unang maitala ang ASF sa Pilipinas.

Read More:  Philippine Navy personnel injured in alleged China Coast Guard assault at Ayungin Shoal

Sa kauna-unahang pagkakataon, pormal na ipinakikilala ng gobyerno ang mga bakuna laban sa ASF sa ilalim ng Government-Controlled Vaccination Program upang labanan ang pagkalat ng sakit.

Bago ang paglarga ng bakunahan, nagsagawa muna ng briefing ang mga opsiyal ng BAI at Food and Drug Administration.

Read More:  Marcos maintains trust in Dizon amid SEA Games probe

Nagpatupad rin ng mahigipit na biosecurity measure ang BAI upang maiwasan ang pagkalat virus.

Dahil dito, kinailangan magsuot ng personal protective equipment ng mga taong kasama sa pagbabakuna.

Prayoridad sa naturang vaccine rollout ang mga maliliit na backyard hog raisers.