Nakatanggap ng school supplies at food packs mula sa Philippine Army ang mahigit 200 na IP sa Oriental Mindoro.

Abot tenga ang ngiti ng nasa mahigit dalawangdaang katutubong estudyante mula sa Barangay Nasucob, Bulalacao, Oriental Mindoro ngayong nalalapit na muli ang pasukan.

Ito ay matapos silang makatanggap ng school supplies at iba pang tulong kagaya ng food packs, damit, at mga tsinelas mula sa Philippine Army 4th Infantry Battalion.

Ayon kay 4IB’s Civil-Military Operations (CMO) assistant officer Jennica Yra Mancera, ang mga kabataan ang target ng mga teroristang grupo kung kaya’t mahalagang makapag-aral sila upang magsilbing proteksyon laban sa mga NPA.

Samantala, labis naman ang pasasalamat ng lokal na pamahalaan sa mga militar na handang pumoprotekta sa mga tao, lalo na sa mga katutubo.