Sumailalim sa pagsasanay ang Tanauan Organic and Natural Farmers Association (TONFA) sa paggamit ng vacuum frying technology ng Department of Science and Technology o DOST-Batangas.
Ang nasabing pagsasanay ay naglalayong mas mapalawig pa ang kaalaman at kahusayan ng mga magsasaka pagdating sa pag gamit ng makabagong teknolohiya.
Bukod dito, nais ring mas mapahaba ang shelf-life ng mga organikong gulay at mas mapataas pa ang kita ng mga magsasaka sa lugar.
Kaugnay nito, napag-usapan sa pagsasanay ang kahalagahan ng tamang proseso at pag gamit ng vacuum frying technology upang mapanatili ang kalidad ng mga produkto.
Katuwang ng DOST Batangas sa programa ang Office of Tanauan City Agriculturist.