Kantang “Selos” ni Shaira Moro, muling mapapakinggan sa mga Music Streaming Platform

Nakatakda nang ilabas muli sa mga streaming platform ang hit song ng isang rising singer na si Shairaa Moro na kung saan kinilala bilang “Queen of Bangsamoro Pop.”

Bunsod ito ng isang agreemnent sa pagitan ng kampo ni Shaira at ng Australian-singer na si Lenka. Matatandaan na inamin ng AHS Production, ang ahensyang humahawak at nag-produce ng “Selos” na kung saan kanilang ginamit ang melody ng “Trouble is a Friend” ni Lenka.

Agad namang nakipag-ugnayan ang kampo ni Shaira, matapos na mapansin ni Lenka at sinabing gumagawa na sila ng hakbang.

Matatandaang, nag-top sa Viral Hit-Chart ang kantang ‘Selos’ ni Shaira sa kilalang music streaming service.

“Wala pong kaso na isinampa laban sa amin [si Lenka]. Sa katunayan, naging mahinahanon at mapayapa ang paguusap namin ng kampo ni Lenka, at nauwi po ito sa pagkakaroon ng kasunduan hinggil sa pamamaraan ng muling paglabas ng kanta sa mga online streaming platforms,” tugon ni Shaira sa kanyang video na pinost sa Facebook. ### KENNETH BERMIL

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *