Drayber ng mini-tanker, huli sa aktong nagnanakaw ng gasolina

Nahaharap sa kasong qualified theft ang isang drayber matapos itong mahuli sa akto na nagnanakaw ng gasolina at krudo sa Camalaniugan, Cagayan.

Kinilala ang naaresto na si alyas Rey, 34-anyos at residente ng Barangay Bulala.

Una rito, nakatanggap ng tawag ang Camalaniugan Police Station hinggil sa umano’y iligal na pag-iimbak at pagbebenta ni alyas Rey ng mga produktong petrolyo na galing sa nakaw.

Agad naming nagsagawa ng operasyon ang kapulisan at positibong nasabat ang 300 liters ng gasoline at krudo na naisalin sa mga plastic container mula sa mini-tanker at nagkakahalaga ng P18, 000.

Napag-alaman na Setyembre pa ng nakaraang taon pa ito sinimulan ni alyas Rey kung saan iniuuwi nito sa kanilang bahay ang tanker upang mabawasan ang karga nitong petrolyo tsaka ibebenta.

Sa ngayon pansamantalang nakalaya ang naaresto matapos makapaglagak ng P30,000 na piyansa ngunit desidido ang may-ari ng pinagtatrabahuan niyang gasolinahan na ituloy ang kaso.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *