Tatay, pinagtataga ng sariling anak sa Unisan, Quezon

Sugatan ang isang ama matapos itong pagtatagain ng kanyang sariling anak sa Barangay Tubas, Unisan, Quezon nitong Linggo, Abril 7.

Ayon sa report, nagkaroon umano ng pagtatalo ang mag-ama habang nag-iinuman sa kubo kung saan doon na makailang beses na pinagtataga ng 34-anyos na suspek ang kanyang tatay.

Read More:  Indigenous farmer saves Philippine Eagle from 30 monkeys in Bukidnon

Isinugod sa hospital ang biktima matapos magtamo ng taga sa iba’t-ibang bahagi ng katawan habang ang suspek naman ay naaresto ng mga rumespondeng awtoridad.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Away pamilya ang tinitingnang motibo ng mga awtoridad sa nasabing krimen.

Sa ngayon, patuloy na sumasailalim sa gamutan ang biktima habang ang inihahanda na ang kasong Frustrated Parricide laban sa suspek.