Naiwang tester ang sanhi ng nangyaring brownout sa NAIA terminal 3 kahapon ng tanghali.
Ayon kay MIAA Officer-in-Charge Bryan Co, nagsagawa sila ng electrical audit sa roadway 1 at 2 ng paliparan at komprehensibo itong sinuri ng mga awtoridad.
Ngunit ng muling buksan ay naiwan daw dito ang isang testing equipment na ginamit ng MServ technical team na naging dahilan para magkaroon ng short circuit bandang 12:52 ng tanghali na tumagal ng 37 minuto bago nalaman na ito ang dahilan ng brownout.

Pagsapit ng 1:29 ng hapon kahapon ay bumalik na sa normal ang supply ng kuryente sa paliparan.
Nilinaw ng opisyal na walang nakanselang flight sa loob ng 30 minutong pagkawala ng supply ng kuryente at pitong flights naman ang na-delay dahil dito.
Maaalalang ang roadway 1 at 2 sa NAIA terminal 3 ang tinawag na critical area sa paliparan kung saan nagmula power outage noong nakaraang Mayo.
Samantala, muli naman naghayag ng pagkadismaya si Sen. Grace Poe sa panibagong power outage sa NAIA.
Tanong tuloy ng Senadora, kung nagkataon lang o sinadya ang nangyaring brownout.//CA