Sinita ng Commisiion on Audit ang Presidential Electoral Tribunal dahil sa hindi pagbabalik ng P13 milyong halaga ng cash deposit nina dating Vice President Leni Robredo at dating senador at ngayo’y Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Sa annual audit report ng PET, natuklasan ng mga state auditor na ang PET ay may balanseng mahigit ₱13.3 milyon sa mga cash deposit sa electoral protest na inihain ni Marcos laban kay dating Vice President Leni Robredo.

Dapat daw ibalik ng PET ang mahigit P5.1 milyon kay Marcos at P8.1 milyon kay Robredo dahil naresolba na ang kaso dalawang taon na ang nakararaan.
Ang mga cash deposit ay ginawa upang mabayaran ang mga gastos para sa electoral protest tulad ng pagdadala ng mga ballot boxes at iba pang mga election paraphernalia sa tribunal.//CA