Naiulat na casualty dahil sa bagyong Lannie, biniberipika pa ng NDRRMC

Biniberipika pa ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang sinasabing isang casualty dahil sa bagyong Lannie.

Kinumpirma ni NDRRMC spokesperson Mark Timbal na mayroon silang natanggap na report na isang biktima ng pagkalunod ang naitala sa probinsiya ng Capiz.

Read More:  PNP says search for Bato Dela Rosa remains on track

Subalit ayon kay Timbal kailangan umanong ma-verify ang report bago maisama sa opisyal na bilang ng mga nasawi dahil sa kalamidad.

Read More:  AFP rejects China Coast Guard claims on Ayungin Shoal incident

Ayon sa NDRRMC may mga insidente ng pagbaha sa Western Visayas dulot ng bagyong Lannie at sa katunayan aabot sa mahigit anim-na-pung indibidwal ang inilakas sa lugar.

Tinatayang nasa P1.6-million naman ang danyos sa agrikultura na idinulot ng bagyo.