Mangingisda sa Abra, nasamsaman ng P81K na halaga ng umano’y shabu

Nasamsam sa isang mangingisda ang P81, 600 na halaga ng umano’y shabu matapos isilbi ng kapulisan ang search warrant sa tahanan nito sa Sitio South, Barangay Calaba, Bangued, Abra.

Nadiskubre sa tahanan ng 43-anyos na lalaking mangingisda ang apat na sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng humigit kumulang 12 gramo.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng PDEU ang naaresto para sa karagdagang dokumentasyon.

Ang naturang operasyon ay naisakatuparan matapos ang pinagsanib na pwersa ng Abra PPO Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU), Provincial Intelligence Unit at iba pang law enforcement agencies

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *