Nagpopositibo sa random drug test sa provl jail, kaunti na lang

KORONADAL CITY- KAUNTI na lamang ang nagpopositibo sa drug test na isinasagawa sa mga inmates sa South Cotabato Rehabilitation and Detention Center (SCRDC).

Ito ang inihayag ni OIC Jail Warden Lory Celeste batay sa resulta ng random drug testing sa mga preso.

Ayon kay Celeste na kung noon ay 50% hanggang 80% sa mga isinasailalim sa drug test ang nagpopositibo sa paggamit ng illegal na droga, ngayon aniya ay tigdalawa na lamang at may panahon pa na 100% sa mga ito ang negatibo.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Sa datos ng SCRDC noong Hulyo hanggang October 8 ngayong taon, anim lamang sa 361 na mga inmates ang nagpositibo sa drug test.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Napag-alaman na 70% ng mga bilanggo sa SCRDC ay nahaharap sa kaso na may kaugnayan sa ilegal na droga.

Batay sa jail population na 1,543 noong October 11, 1,074 ang may drug related cases.

Sa naturang bilang, 1,007 ang mga lalaki habang 67 naman ang babae.