Inilabas na ng Department of Justice ang detalye sa 52 drug war related cases sa mga operasyon ng Philippine National Police.
Sa limamput-dalawang kaso, mahigit sa kalahati ng bilang ay mayroong kakulangan sa mga dokumento para suportahan ang isang lehitimong police operation.

Kabilang na dito ang kawalan ng custody report, ballistic report, operations report, autopsy report, at paraffin test results.
May ilang kaso din na mayroong paraffin test sa baril na umano’y ginamit ng suspek subalit wala sa mismong sinasabing nagpaputok ng baril.
Lumalabas naman na sa 52 kaso lahat ng mga suspek ay nanlaban o di naman kaya ay nagtangkang tumakas sa mga otoridad kaya nabaril at napatay ng mga pulis.