Nagpapabakunang 5-11 anyos sa Naga unti-unting tumataas

NAGA CITY – Tumaas ng kaunti ang bilang ng mga batang nagpapaturok ng vaccine laban sa COVID-19 na nasa 5-11 taong gulang sa isinagawang Chikiting Vaccination sa mga Barangay ng Naga City.

Ang nakikitang dahilan nito ay iyong inasahang face-to face-classes ngayong Agosto sa pagsisimula ng school year 2022-2023.

Sa pakikipag-ugnayan ng Brigada News FM Naga kay Magno Reyes, nurse at siyang head ng Barangay Health Emergency Response Task Force o BHERTF, sinabi nitong pumapayag na ang mga magulang na mabakunahan ang kanilang mga anak.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Anya’y hindi lang sa dahilang pag face-to-face classes na kundi para na rin ma-proteksyonan din ang mga ito laban sa iba pang mga sakit ngayon, tulad ng ubo, sipon at lagnat na siyang mga sintomas ng COVID-19.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Sinabi pa ni Reyes na mas madaling magkasakit ang sinumang bata sa panahon ngayon, kung hindi ito naturukan ng COVID-19 vaccine.

Malaking tulong sa vaccination na ito ay ang mga guro, na siyang naging katulong nina Reyes sa pag kumbinsi sa mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga  anak.