Nagnakaw na, kinaawaan pa; mga gamit, naibalik

Hindi na sinampahan ng kaso, ang naarestong magnanakaw na si Rogen Cansino Ardales, 28 anyos matapos na kaawaan ito ng kanyang naging biktima.

Base sa ulat ng mga awtoridad, hindi na itinuloy ng biktima ang pagsasampa ng kaso, matapos nitong makita ang kalagayan ng suspek na may sakit.

Read More:  Fake Pag-IBIG agent arrested in Davao City over ₱1.12-million housing scam

Kaugnay nito, narekober ng mga pulis ang 13 cellphones, kasama ang tatlong laptops na ninakaw ng suspek, sa ginawang magkasunod na follow up operations, sa Barangay Inagawan at sa Aborlan.

Read More:  Volunteer teacher helps pupils cross swollen river after class in Negros

Samantala, ayon kay PCapt. Victoria Carmen Iquin, ang mga ganitong pangyayari ay hindi dapat ‘tinotolerate’, dahil uulitin lang nito ang kanyang gawain.

Hinikayat din nito ang mga biktima natuluyang sampahan ng kaso ang mga suspek upang mabigyan sila ng leksyon.