LEGAZPI CITY – Inaasahang magiging malaking tulong sa mga residenteng nasa malalayong lugar sa Albay ang mga ambulansyang donasyon ng Pamahalaang Panlalawigan ng Albay sa tatlong ospital sa lalawigan.
Kung matatandaan, matagumpay na naipamahagi ang tatlong bagong mga ambulansya sa Dr. Lorenzo P. Ziga Memorial District Hospital, Pio Duran Memorial District Hospital at Pantao District Hospital.
Ayon kay Dr. Loreto Capellan, Chief of Hospital ng Pantao District Hospital, ang nasabing ambunasya ay makakatulong lalo na para mas mapabilis pa ang pagbibigay asistensya, sa mga pasyenteng bumabyahe ng halos apat na oras para lang makapagpakonsulta o maidala sakanilang ospital sa oras ng mga emerhensya.