Pinaaresto ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Philippine National Police ang mga nagbebenta ng essential medicines sa black market.
Ang kautusan ng Pangulo ay sa gitna nang nararanasang ‘temporary shortage’ ng mga gamot lalo na paracetamol matapos tumaas ang COVID-19 ng cases.
Sinabi ng Pangulo na walang dapat santuhin sa mga nagsasagawa ng ganitong gawain.
Kabilang na umano dito ang mga sales representative at mga may-ari ng tindahan.
“I am putting on notice the entire PNP at itong mga (and these) station commanders, any transactions of black marketing of these essential medicines should be arrested, walang (no) exception,” saad ng Pangulo.
