Sumakabilang buhay na ang kilalang manunulat na si F. Sionil Jose, sa edad na 97.
Inanunsiyo ang pagpanaw ni Jose ng grupong Philippine PEN (Poets, Playwrights, Essayists, Novelists) na siya mismo ang founder.
Ayon sa grupo sumakabilang-buhay ang pomosong alamat ng sining bandang 9:30 kagabi sa Makati Medical Center.
Kinilala ng National Commission for Culture and the Arts si Jose bilang National Artist for Literature noong 2001 dahil sa kanyang mga nobela at kwento simula pa noong dekada 60.
Kabilang sa mga akda ni Jose ay ang “Rosales Saga”, na kinabibilangan ng “The Pretenders”; “Tree”; “My Brother, My Executioner”; “Mass” at “Po-on” habang tumatak din ang kanyang maikling kwento na “The God Stealer” noong 1959; “Waywaya” noong 1979; at “Arbol de Fuego” (Firetree) noong 1980.
Kilala din si Jose bilang supporter ni Pangulong Duterte at isa sa mga kumontra sa Nobel Prize ni Rappler CEO Maria Ressa.