Naga City vaccination appointment system, bukas na para sa A2 at A3 priority groups; mga magpapabakuna, makakapagpili ng schedule

NAGA CITY- Bukas na ang Naga City Vaccination Appointment System para sa mga nasa A2 o mga Senior citizen at A3 o mga with comorbidity.

Bago ito dapat munang nakapagparehistro na sa covidvax.naga.gov.ph, naroon ang proseso para rito.

Halimbawa bukas Agosto 12, 2021 hanggang sa Biyernes Agosto 13, mayroong binuksan na 900 at 1000 slots para sa mga tatanggap pa lamang ng 1st dose.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Sa vaccination day dapat dalhin ang Naga City Senior Citizen ID kung senior. Habang sa with comorbidity, medical certificate , valid I.D o di kaya at utility bill patunay na residente ng Naga.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Inihayag sa Brigada News FM ni City Events Protocol and Public Information Office Chief Allen Reondanga na ang mga kabilang sa A4 at A5 ay hindi pa tatanggapin.

Pagbibigay diin nito  sa sistema maiiwasan pa lalo ang pagsisiksikan sa vaccination site.