Home Care Program, isinusulong sa Pampanga

Patuloy na isinusulong ng Pampanga Provincial Government ang Home Care Program para sa mga asymptomatic Covid-19 patients.

Ayon kay Vice Governor Lilia Pineda, ang Home Care Program ay naglalayong maibsan ang congestion ng mga ospital sa buong lalawigan.

Sa kasalukuyan raw kasi puno na ng mga pasyente ang lahat ng ospital sa lalawigan, mapa-pribado man o pampublikong ospital.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Kaya naman sa pamamagitan ng nasabing programa papayagan umanong mag home quarantine ang mga Covid-19 patient na wala namang malalang sintomas.

Ngunit kinakailangan munang komunsulta via online or telephone ang isang pasyente na nakakaranas ng mild symptoms ng naturang sakit.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Maglalabas umano ng doctors’ hotline ang Pamahalaang Panlalawigan na pwedeng tawagan para sa consultation.

Samantala, kapag pinayagan na mag home quarantine ang isang pasyente regular umano itong iche-check-up via phone calls at minsan ay dadalawin mismo ng mga doctor sa kanilang tahanan.