RECORD breaker ang nonuplets o siyam na kambal sa Mali na ginawaran ng sertipiko bilang pinaka-unang ligtas na kapanganakan sa mundo sa isahang pag-silang lamang.
Matatandaan na dating hawak ni Nadya Suleman mula sa USA ang titulo na binansagan pa siyang “Octomom” noong 2009.
Ang siyam na kambal na ito ay buong tapang na naisilang ni Halima Cisse sa tulong ng suporta ng kanyang asawa na si Abdelkaber.
Ayon sa pahayag ng ama sa una ay inakala ng mga doctor na pito lamang ang dinadalang sanggol ni Cisse sa kanyang sinapupunan.
Ngunit nang mapagpasiyahang ilipat ng lokal na pamahalaan ng Mali sa isang spesiyalistang klinika sa Morroco natuklasan na may dalawa pa palang sanggol bukod sa pitong unang nabasa ng mga doctor sa Mali.
Dahilan upang maging siyam na ang sanggol na ipinagbubuntis ni Cisse.
Ayon sa pag-aaral ang pagkakaroon ng siyam na kambal o nonuplet ay napakabihira lamang at wala pang naitatalang ganitong kaso ng siyam na sanggol na ligtas sa iisang panganganak.
Tanging ang kaso ni Cisse ang nagpatunay na maari mangyari ito. ipinanganak ni Cisse ang kanyang siyam na kambal prematurely sa pamamigitan ng Cesarean.
Matapos niyang manganak nanatili siya sa nasabing clinic upang ma monitor, ayon sa doctor na si Rotchdi Talib, Pres. Director General ng Akdital kinakailangang gamutin ng mabuti si Cisse upang matiyak na walang post-partum hemorrhage na mangyayari sa kanya.
Dagdag pa ng Doktor aniya “Salamat sa Diyos, dahil mayroon silang mga teknikal na mapagkukunan at mataas na kwalipikadong medikal at para medikal na kawani na halos talumput dalawang mga tao ang nagtrabaho dito.
Ang mag-asawa ay nagpahatid naman ng taos pusong pasasalamat sa mga tumulong sa kanilang pamilya partikular na sa pamahalaan at sa Medical Corps ng Mali gayun din sa Akdital group ng Morocco.###CD