Naga City nananatiling nasa “pink zone”

NAGA CITY – Nasa “Pink Zone” ang Naga City sa kategoriya ng African Swine Fever, ibig sabihin walang ASF sa lungsod sa kabila ng may naitala na sa karatig bayan ng Pili Camarines Sur mula sa dalawang barangay.

Magkagayun man, nakaalerto pa rin ang City Agriculture Office  at ang Naga City Abattoir na magkatuwang sa pag monitor sa mga alagang baboy para matiyak na walang anumang sintomas ng ASF ang mga ito, lalo na doon sa mga lugar na dati ng nagkaroon noong nakalipas na mga taon, bago pa nagka COVID-19.

Read More:  Two farmers nabbed in fake gold scam, shabu seized
Read More:  Radio commentator killed in BARMM shooting

Sa pahayag sa Brigada News FM Naga ni Ernesto Asence III, Acting City Agriculturist Officer, sinabi nitong istrikto sila sa mga baboy na ipinapasok at kinakatay sa abattoir lalo na kung galing ito sa labas ng lungsod ,dumadaan ito sa tamang proseso, dapat anya malusog at walang sakit ang baboy bago katayin.