Aabot sa halos dalawang libong guro sa lalalawigan ng Camarines Norte ang nabakunahan sa unang batch ng vaccination rollout na ginanap noong nakaraang buwan.
Ayon kay Schools Division Superintendent Nympha Guemo, maliban pa ito sa mga gurong nabakunahan sa kanilang mga barangay kaya’t posibleng umabot na rin sa mahigit kumulang 6, 800.
Aniya sa ngayon ay patuloy pang nangangalap ng datos ang Division Office dahil iba- iba pa ang mga lumalabas.
Ngayong Linggo ay nagsimula na rin ang ikalawang dose para sa unang batch.
Magsisimula naman sa October 21 ang pagbabakuna ng first dose para sa nasa dalawang daang guro pero magiging first come per- serve basis na.
Hindi raw kasi tiyak sa ngayon ng Division Office kung mabibigyan pa ito ulit ng allocation dahil ang mga hindi naiturok na bakuna ay ibinalik sa Provincial Health Office.
Matatandaan na naglaan ang Department of Health Bicol ng nasa 5,000 doses ng bakuna para sa mga guro na ang nag -administer ay ang Division Health personnel na mayroong dalawang vaccination team.
Pero may mga hindi umano nagpabakuna dahil sa brand preference.
Gayunman, minarapat pa rin daw ng DepEd Division Office na magtira ng 200 doses para sa mga hindi nabakunahan sa first batch na maaring nagbago ng isip.
“We are not so sure yet kung tayo ay bibigyan ulit ng pagkakaton ng DOH Regional office, kasi nga po binigyan na tayo ng 5000 vaccines good for 5000 teachers, ani Guemo sa programang DepEd Hour.
“Yun po siyempre, binigay na namin yung information sa Department of Health na ito nga ang na vaccine na mga teachers and the rest is given to the Provincial Hospital, so nakakasayang nga eh, hopefully kung meron bagong vaccine ay mabigyan pa tayo ng pagkakataon.
Aminado naman si Guemo na “frustrated” sila sa Division Office dahil parang hindi umano na- compensate ang kanilang effort.
Hindi raw kasi biro ang naging paghahanda ng Division Office para lamang makakuha ng bakuna.
“Parang frustrated kami kasi parang hindi compensated yung effort kasi eto na nilalapit na natin sa mga kaguruan at ayaw pa.”

