Naga City “hot spot” ng dengue ngayon sa Bicol-DOH

NAGA CITY- Hindi napapatid ang paalala ng mga health officials na mag-ingat laban sa dengue. Sa Bicol Region 109% na ang itinaas kumpara noong nagdaang taon.

Base sa record ng Department of Health- Bicol ang ikinukunsiderang “hot spot” ay ang Naga City. Ito ang inihayag ng entomologist na John Dominic Bologna.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Ang lungsod ay nakapagrecord ng 127 cases mula Enero. 6-10 anyos ang pinaka apektadong age group.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Sa parte ng barangay , pinalalakas ng Barangay Health Workers ang pag-iingat. Para kay  San Felipe Punong Barangay Al Rodriguez , hindi lamang sa marooning tubig nangingitlog ang lamok kaya dapat malinis sa lahat.