Search for Miss Bicolandia 2022 sisimulan na!

NAGA CITY – Sisimulan na sa susunod na buwan ang paghahanap ng mga magiging kandidata sa Miss Bicolandia 2022.

Kasabay ng paghahanda ng LGU sa Peñafrancia Festival, isa ito sa mga pinaka-aabangang event na sa wakas pagkatapos ng dalawang taong walang selebrasyon muli na itong magaganap.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Councilor Jose Rañola, Committee on Games and Amusement Chairman, sinabi nitong nakatakda na sa August 3, 2022 ang pagsisimula ng kanilang paghahanap, paglilibot sa buong rehiyon para sa mga magiging kandidata.

Read More:  ₱5.97-M ecstasy seized from Nigerian national in Pampanga drug bust

20 ang magiging Official Candidate sa nasabing beauty pageant, kailangan 17-25 ang edad, single, 5’4 at pataas ang tangkad, hindi pa nabuntis, may good manner at maganda ang reputasyon, Filipino, kung hindi Bicolano ay at least 3-taon nang naninirahan sa Bicol, at least junior high school na, marunong magBicol at maganda ang family background.

Read More:  ₱4.35-M worth of smuggled cigarettes seized in Negros Occidental

Ayon pa sa opisyal, mahigit P5-milyon ang magagamit para sa naturang beauty pageant. Mahigpit rin nilang ipatutupad ang mga health protocols lalo na kakaiba ito kumpara noong wala pang pandemya.