Naga City, Alert Level 1 na simula ngayong araw

NAGA CITY-  Nasa ilalim na ng Alert Level 1 ang Naga City simula ngayong araw Marso 1, 2022.

Ang pinakamababang quarantine classification ay inilabas ng Interagency Task Force o IATF nitong weekends. Ayon sa Department of Health Bicol kabilang sa mga tiningnan ay ang kapag mababa na ang cases transmission sa loob ng dalawang linggo, mas mababa sa 50% ang total bed utilization rate  at naabot na ang 70% ng target population lalo na ng senior citizen.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Inihayag sa Brigada News FM Naga ni City Planning Officer at Analytics team member Willy Prilles na kaya na ng Naga City na makaadjust sa pagluwag dahil mataas ang vaccination rate hindi lamang adult population kundi pati pediatric population.

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Kasunod nito pinalalahanan ni COVID-19 Program Coordinator ng DOH-Bicol, Dr. Lulu Ramos- Santiago ang publiko na huwag magpabaya upang hindi maulit ang surge at tuloy-tuloy na ang pagbabalik sa normal.