656 atleta, kakatawan para sa PH sa SEA Games

Inanunsyo na ng Philippine Olympic Committee (POC) na 656 atleta ang maglalaro para sa Pilipinas sa 31st Southeast Asian Games sa Vietnam.

Ayon kay POC president Rep. Abraham “Bambol” Tolentino, magko-compete ang Pilipinas ng 39 mula sa 40 sports sa Vietnam.

Mula naman sa 39 sports, lalahok ang bansa sa 44 disciplines.

Dagdag ni Tolentino na kung ikukumpara ang bilang noong naghost ang Pilipinas sa Games noong 2019, may delegasyon umano na nabawas ng halos kalahati mula sa tatlong taon na ang nakakaraan.

Mababatid na mayroong 1,115 Filipino athletes nang maghost ang bansa sa SEA Games noong 2019, kung saan humakot ng 149 golds, 117 silvers, at 121 bronze medals, dahilan para makuha ang overall title.