Nacionalista Party, makikipag-alyansa sa partido ni Pangulong Marcos

Kinumpirma ni Surigao del Norte Representative Robert Ace Barbers na nakatakdang makipag-alyansa ang Nacionalista Party sa Partido Federal ng Pilipinas ni Pangulong Bongbong Marcos.

Ayon kay Barbers na miyembro ng Nacionalista, plano itong gawin sa pagtatapos ng buwan at sa kasalukuyan ay nasa proseso na ang nilulutong alyansa.

Read More:  Two men sentenced to life in prison for killing Brigada broadcaster Eduardo ‘Ed’ Dizon

Nakasisiguro rin ang kongresista na mapapabilang sa lineup ng administrasyon sa pagka-senador ang kapatid ng pangulo na si Senadora Imee Marcos.

Kasapi aniya ng NP si Marcos kaya kung makikipag-alyansa ito sa PFP ay tiyak na kasama siya sa slate ng punong ehekutibo.

Read More:  PH Embassy warns Filipinos against Myanmar job scams, reiterates deployment ban

Samantala, idinagdag pa ni Barbers na posibleng buuin ang listahan ng Senatorial candidates ng partido o alyansa bago ang paghahain ng certificates of candidacy sa Oktubre.

Nais umano ng Nacionalista na ihanay ang partido sa PFP upang ipakita ang suporta sa lahat ng programa ni Pangulong Marcos tungo sa pagbabago at kaunlaran ng bansa.