Unpaid health emergency allowance ng mga health worker, posibleng maibigay na ngayong taon

Kumpyansa ang Department of Health na maibibigay na ang nakabinbin na health emergency allowance o HEA sa mga hindi pa nababayarang health worker ngayong taon.

Sa pre-SONA briefing ng Bagong Pilipinas program, iniulat ni Health Secretary Ted Herbosa na nabanggit kahapon ni Department of Budget and Management o DBM Secretary Amenah Pangandaman sa Cabinet meeting na posibleng mahanapan na ng budget ang HEA ngayong taon.

Read More:  BSP warns public against photocopying Philippine banknotes

Nabatid na nangangailangan ang pamahalaan ng 27.7 billion pesos para pondohan ang HEA ng mga health worker na nagserbisyo noong panahon ng State of Public Health Emergency dulot ng COVID-19 pandemic.

Read More:  ‘Sigabo’ production attends MTRCB compliance seminar

Unang nag commit ang DBM na maibibigay nila ito sa taong 2025 ngunit may posibilidad na maibigay ito ng mas maaga ngayong taon.