Nakapagtala ng 36.16% na pagbaba ng cybercrime cases ang PNP Anti-Cybercrime Group sa unang semester ng 2024.
Base sa datos ng PNP – ACG , 8,177 cybercrimes ang naiatala sa unang 6 na buwan ng taon kumpara sa 12,808 sa kahalintulad na panahon noong nakaraang taon.
Na-obserbahan din ang pagbaba ng Online selling scam cases mula 3,468 sa 1,613 cases.
Gayundin ang investment/tasking scams na bumaba mula 1,001 – 650 cases, at debit/credit card fraud na mula sa 736 sa 528 cases ngayong 2024.
Ang pagbaba ng cybercrime cases ay bunsod narin ng naging direktiba ni PNP Chief Gen. Rommel Francisco Marbil kung saan nagdagdag ang PNP ng mas maraming resources at mas pinahusay ang kanilang pagtugon sa mga iniuulat na cybercrimes sa pulisya.