Nabibiktima ng online sexual abuse, pababa nang pababa ang edad -NBI Cybercrime

Pababa ng pababa ang edad ng mga Pilipino na nabibiktima ng online sexual abuse sa bansa.

Ayon kay National Bureau of Investigation (NBI) Cybercrime Head Victor Lorenzo, 12 anyos ang pinakabatang nasagip nila sa mga isinagawa nilang raid.

Read More:  Palace rebukes Pulong Duterte over criticism of Marcos administration

Kamakailan din umano ay nasagip nila ang isang 13 anyos na dalawang beses nang nakipagkita sa isang suspek na nakilala niya online.

Ayon kay Lorenzo, karamihan sa mga nabibiktima ng online sexual abuse ay ang madadalas gumamit ng social media.

Samantala, kung dati aniya ay mga dayuhan ang parokyano ng online child prostitution sa bansa, ngayon pati mga Pilipinong edad 20 pataas ay suspek na rin sa mga ganitong gawain.

Read More:  Senate minority ready to challenge Marcoleta’s online attendance proposal

Kasabay nito, pinapayuhan ng NBI ang mga magulang na bantayang maige ang kanilang mga anak upang hindi maging biktima ng online sexual abuse at child prostitution.