Dumepensa ang Department of Energey na bilyon-bilyon ang mawawala sa kita ng gobyerno kapag ipatupad ang mga mungkahing suspendihin ang koleksyon ng buwis sa petrolyo.
Sa memorandum kay Finance Secretary Carlos Dominguez III nitong October 20, sinabi ni Finance Undersecretary for Revenue Operations Group Antonette Tionko, na aabot sa P131.4 bilyon ang mawawalang kita ng gobyerno sa 2022 kapag itinigil ang excise tax sa petroleum products.
Giit ni Tionko, anumang suspension ng excise taxes ay kailangang maiging pag-aralan, dahil ang kita ay maaring makaapekto sa budget ng gobyerno para sa COVID-19 recovery measures.

Una rito, iminungkahi ni Energy Secretary Alfonso Cusi na bigyan ng kapangyarihan ang kaniyang kagawaran na suspindehin ang excise tax sa krudo dahil sa tumataas na presyo nito.
Sa pagtaya ni Cusi, P8 hanggang P10 bawat litro ang matatapyas sa presyo ng mga produktong petrolyo kapag sinuspendi ang excise tax. //MHEL PACIA-TRINIDAD