Nabakunahan ng Covid-19 Vaccine sa Legazpi City pumalo na sa 17k-Mayor Rosal

LEGAZPI CITY – Pumalo ng mahigit sa 17K ang nabakunahan sa unang dose ng Sinuvac at Astrazeneca sa lungsod ng Legazpi. Ito ang inihayag ni Mayor Noel Rosal sa Brigada News FM Legazpi.

Ayon kay Rosal, aabot na sa 17, 156 ang kabuuhang bilang ng mga nabakunahan sa unang dose ng nasabing mga bakuna.

Base sa tala, sa A1 mayroong ng 7, 849 ang naturukan, A2 – 3, 453 at A3 – 5, 854 habang sa 2nd dose ay mayroon ng 5, 890 ang nakakompleto na ng bakuna.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Sa A1 o Workers in Frontline Health Services nakapagtala ng 5, 172, A2 o Senior Citizen 637 at A3 o Individuals Comorbidity 171 ang nabakunahan na ng 2nd dose.

Ayon pa sa Alkalde, halos tapos na ang pagbabakuna sa A1 priority group habang sa A2 ay nasa 25-30% pa lang ang nababakunahan.

Aniya, nais din nitong maabot na ang target na pagbabakuna sa mga priority group ngunit umaasa lamang ito sa mga dumarating na nakuna mula sa Central Office ng DOH.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Paliwanag ng opisyal kung bakit nagkaroon ng pagbabakuna sa mga barangay ay dahil sa kailangan ng pabilisin ito upang makuha o maabot ang heird immunity.

Dagdag pa nito, kabilang na rin umano ang Lungsod ng Legazpi sa NCR plus dahil sa patuloy ang pagtaas ng kaso ng covid 19 sa lungsod.

Dahil dito magiging prayoridad ang Legazpi sa pagbabakuna at hindi rin masayang ang mga bakuna na dumarating sa lungsod ng Legazpi.