NAGA CITY- 1, 253 ang COVID-19 recoveries o gumaling na sa sakit sa record ng Department of Health Bicol para sa Naga City, habang sa tala ng Health Emergency Response Task Force (HERTF) 2, 422 na ang gumaling nitong Hulyo 5, 2021.
Malaki ang pinag kaiba ng mga datos kaya dapat umano itong maplantsa o ma reconcile upang malinaw na record ang makakarating sa DOH Central Office para sa quarantine classification ng National Inter Agency Task Force ayon sa ilang opisyal sa Naga.
Ipinaliwanag ni Kenn Nuyda ng Regional Epidemiological Surveillance Unit 5 (RESU) ang sitwasyon. Ang mga ulat ng local ESUs ay beneberipika pa ng RESU kung ang mga pasyente nga ba ay gumaling na.
Hindi aniya ito madali dahil maraming isinusumite ang mga probinsya , bayan o lungsod sa DOH.
Kaya sa huli, hinikayat ng DOH ang mga LGU na maagang magsubmit ng report , kaso man ito, recoveries o COVID- death.