Baka sa Bangladesh, pang world record dahil sa sobrang liit

Usap-usapan ngayon sa Bangladesh ang bakang si Rani dahil sa napakaliit na sukat nito.

Ang nasabing baka ay pinapastol sa isang farm sa Ashulia, Savar at mayroon lamang taas na 20 pulgada at may timbang na 26 na kilo.

Isa itong ‘Boxer Bhutti’ breed at ngayon ay nasa dalawang taon na. Ayon sa isang local veterinarian, sadyang napakaliit na lahi ang ‘Boxer Bhutti’ breed.

Maayos ang lagay ng kalusugan ni Rani at base sa edad nito, hindi na umano tatangkad o tataas pa ang timbang ng baka kung kaya maaaring makua nito ang record bilang bagong smallest cow in the world.

Nagsumite na ng aplikasyon ang may-ari nitong Shikar Agro Limited sa Guinness upang mapabilang ang baka sa world record at nasa proseso ito ngayon ng review.

Kasalukuyang hawak ng anim na taong gulang na bakang si Manikyam mula sa India ang Guinness record kung saan may taas itong mahigit 24 na pulgada at tumitimbang ng 44 na kilo.### || Shiela Madrigalejos