Nabakunahan kontra Measles at Rubella sa Olongapo City umabot na ng mahigit 20K

Umabot sa 20, 363 ang bilang ng mga batang naturukan ng kontra measles at rubella sa Olongapo City.

Ito ay sa pagpupursigi ng Olongapo City Health Office na magbahay-bahay para masigurong mababakunahan lahat ang mga bata sa lungsod.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Matatandaan na nasa mahigit labing-siyam na libo lang ang target na mabakunahan ng opisina pero dahil sa pakikipagtulungan ng mga magulang ay tumaas pa ang bilang ng mga nabakunahan.

Read More:  Rider killed in suspected riding-in-tandem attack in Cebu

Samantala, kumpiyansa naman ang CHO na mababa ang tyansang tamaan ng mga sakit ang mga bata sa lungsod.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO