Naaagnas na balyena, natagpuan sa Infanta, Quezon

Wala ng buhay at naaagnas na ng matagpuan ang isang sperm whale sa baybaying dagat ng Barangay Dinahican, Infanta, Quezon nitong Linggo Abril 14.

Sa ulat ng Coast Guard Sub-Station Infanta, na isang concerned citizen ang nagbigay ng impormasyon sa kanilang tanggapan patungkol sa natagpuang balyena.

Sa isinagawang pagsususuri lumabas na nasa estado na ito ng advance decomposition ng ito ay matagpuan.

Samantala, agad namang ibinaon ang nasabing balyena 80 metro ang layo mula sa baybaying dagat ng nasabing barangay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *