LGU-Naga tuloy sa pagbibigay atensyon sa Teenage Pregnancy sa bawat Barangay

NAGA CITY – Humarap sa counselling ang mga magulang na may anak na maagang nabuntis na pinangunahan ito ng ilang mga personahe ng City Social Welfare and Development Office, ipinaliwanag sa mga ito kung papano ang gagawin sa mga anak nilang maagang magiging nanay, tamang pag-alaga pati na rin sa emosyon ng mga ito.

Si Eden San Andres,social worker ng CSWDO ang isa sa nagbigay ng mensahe, na ang laman ay iyong mga paalala sa pagtrato sa isyung ito, teenage pregnancy na isa sa binibigyan ngayon ng atensyon ng lokal na pamahalaan, kaya tuloy ang pakikipag usap nila sa mga kabataan at sa mga senior high students.

Ayun naman kay Annabele Vargas, head ng CSWDO, tinutulungan ng kanilanmg opisina ang mga ito tulad ng mga pangangailangan sa pagpa ospital, medikasyon at maging sa personal aspeto ng kanilang buhay, tulad ng sda emosyon na in-charge naman sina San Andres, sa seminar workshop at counselling.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *