Muslim community sa Naga City, hati ang desisyon na mabakunahan ang nasa 5-11 taong gulang na mga bata kontra COVID-19

NAGA CITY – Hati ang desisyon ng mga magulang na Muslim sa Naga City na mabakunahan ang kanilang mga anak na nasa edad 5 hanggang 11 taong gulang kontra COVID 19.

Ito ang napag-alaman ng Brigada News FM Naga nang makapanayam si Mike Mustapha, Head ng Muslim Affairs Office sa lungsod. Sinabi nitong 50% mga magulang pa ang ayaw na mabakunahan ang kanilang mga anak ganun din sa mga gusto nang mabakunahan.

Read More:  CCTV records alleged abduction in Cebu City

Inamin rin nitong nahirarapan siyang hikayatin ang mga ito dahil sa paniniwalang baka pagkatapos ng isa o dalawang taon ay magkaroon ng masamang epekto ang bakuna sa mga bata at baka hindi kayanin ng katawan, at may adverse effect.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Nauunawaan naman ng opisyal ang mga desisyon ng mga magulang at walang sapilitang mangyayari lalo na iniisip lang ng mga ito ang kapakanan ng mga bata.